What Is Still There To Believe, When Everything Else Is…
November 3, 2009BULLSHIT. COMPLETE BULLSHIT.
You might not know it, but I’m slowly falling apart. Not entirely, but it will come.
Lahat ng desisyon ko, tila napupunta nalang sa wala. Parang lagi nalang mali. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na, sumabay nalang ako sa ihip ng hangin, o sa daloy ng tubig. Pero kahit nakikisakay lang ako sa kanilang pagdaan, napapaisip ako. Bakit? Bakit nga ba ako sumusunod lang? Bakit hindi ako gumawa ng sarili kong daan? Iisang direksyon lang ang patutunguhan ng tinatahak ko ngayon. At ito ay… pagsisisi? o hindi? Iisa lang ang patutunguhan.
TUNAY NA PANGARAP ANG GUSTO KONG ABUTIN. HINDI PANGARAP NA IDINIKTA, AT IPINILIT.
Naaalala ko pa ang panahon kung saan fi-nill-upan ko ang application form para sa USTET. Ito ang unang pagkakataon. First choice: PHARMACY, second choice… ano ba ang sabi nila? Second choice: PT. Alam ko na noong mga panahong iyon na mali ang aking ginawa. Dahil Communication Arts naman talaga ang gusto kong kunin. Pero kahit sinuway ko man ang sarili ko, sinunod ko naman ang sinabi ng iba. Pangalawang pagkakataon: habang kumukuha ng USTET, nagtanong ang proctor kung may magbabago pa ba ng kurso. Wala na akong kinibo. Magaling, pasado ako sa parehong kurso. Pangatlong pagkakataon. Confirmation na noon. Alala ko na ang aming propesora noong nakaraang sem ang taga-confirm. Si Ma’am Carol Pablo. Nang ako ay kausap na, tinanong niya ako kung sigurado na ako. Wala na akong ginawa, tuloy na tuloy na ‘to. Pero sa utak ko, gusto ko sabihing “hindi” at umalis nalang. Ayoko naman talaga.
Sa Jesmon noon, pasensya na pero, isa kang mangmang. Tanga. Duwag. Sana noon pa man ay gumawa ka ng paraan. Sana noon, inisip mo ang SARILI mo, hindi lang iba. Oo, alam ko may pagka-magkasarili, pero, hindi ba? Ano pa ang buhay na to? Sinasayang ko nalang. Puro nalang sila. Pero paano ka na? Tingnan mo ang nangyayari sa’yo ngayon. Oo, pasado ka nga sa lahat ng mga kurso. Pero PARA SAAN PA? Ni minsan ba, hindi mo man lang ba inisip, kung ano ba talaga ang gusto mo? ALAM KO INISIP MO. Pero naduwag ka.
Ito na naman. Isang semestre na naman ang tatahakin ko. At pagkatapos noon, dalawang taon nalang.
Ano na ba ang dapat gawin? Puro nalang kaduwagan ang ginagawa ko. At nakakapagod na rin.
Aasa nalang siguro ako sa araw kung saan matatapos na ang lahat.
Magsulat
May 17, 2009Gusto kong magsulat ulit. Ngunit hindi ko mahanap sa sarili ko ang inspirasyon para magsulat.
Asan ka na?
April 3, 2009hindi mo sinasagot lahat ng text ko sa’yo. kung nalalamigan ka, nalalamigan na rin ako.
michelle, asan ka na ba ngayon?
magparamdam ka naman. :c
Mahal kita eh.
February 5, 2009At nasasaktan ako dahil hindi ko man lang masabi sayo.
Nasasaktan ako.
Naguguluhan ako
February 1, 2009Hindi ko na alam kung ano nararamdaman ko sa’yo. Naguguluhan ako. Bakit ganoon? Akala ko pa naman mahal kita. Pero ngayon, bakit ako naiinis? Bakit ako nagagalit? Kahit wala namang dahilan. Wala ka namang ginawang masama. Wala rin akong ginawang masama?
Pero bakit?
Bakit nga ba??
Sabihin mo sa akin kung bakit.


